Lagot ang pari na nakitang kumakain ang asul na keso sa ilalim ng bayabas isang araw matapos pagyabangan ang mga gerilya sa pagkakasakop ng sitio ng mga alibugha sa Tondo. Dumugo man daw ang kanyang kuko, magiging dagitab ito para patuloy na palaganapin ang Kristiyanismo sa buong kapuluan. Balintuna sa pansin ng mga namumuno, naisip nila na makakabuti ang pagsuko. Masarap daw ang asul na keso kesa sa gatas ng kalabaw. Pero, kailangan na nilang sumuko. Umiinom ang gobernadorcillo. Katabi niya ang pari. Gumon ang dalawa sa alak at halaan. Nahulog ang isang baso. Nabasag. pinulot ng Gobernadorcillo at ginamit ito upang hiwain ang lalamunan ng pari na minsang nakitang kumakain ng asul na keso. Sabi ng Gobernadorcillo sa sarili, ‘Mas masarap ang gatas ng kalabaw sa asul na keso. Mga Pilipino ang dapat kumakain ng bayabas at halaan hindi ang mga Kastila.’
Daily Archive, Fiction, Photography, Uncategorized
Umiinom ang Gobernadorcillo
